NAGA CITY – Muli na namang naghahanda ngayon ang local na pamahalaan ng lungsod ng Naga sa pagbabalik sa naudlot ng limited face-to-face sa ilang mga pampublikong paaralan sa elementarya, dahil sa pagtaas noon ng kaso ng COVID-19.
Ngayong ang lungsod ay nasa Alert Level 2 classification na, posibleng matuloy na ito.
Kabilang nga sa paghahanda ay ang pagbabakuna sa mga bata at mga estudyante, sa lunes magsisimula na an pagbabakuna sa 5 hanggang 11 taong gulang, samantalang nagpapatuloy naman ang sa 12 hanggang 17 taong gulang.
Kaugnay nito, sinabi sa Brigada News FM ni Konsehal Elmer Baldemoro, Committee Chair ng Women and Children’s Welfare sa konseho, sinabi nito na kailangan na mabakunahan ang mayoriyang mga batang estudyante para sa face-to-face classes.