Murray, idodonate ang prize money mula sa mga tournos para tulungan ang Ukrainian children

Inihayag ni dating world number one Andy Murray na ido-donate niya ang kanyang mga napanalunang pera mula sa tennis tournaments sa 2022 para sa aid efforts para sa mga kabataang apektado ng invasion ng Russia sa Ukraine.

Nabatid na batay sa U.N. refugee agency UNHCR, nasa dalawang milyong katao, na karamiha’y mga babae at bata ang lumikas sa Ukraine, simula noong Feb. 24.

Ayon kay Murray, mahalaga na maipagpatuloy ng mga bata ang kanilang edukasyon, kaya gumagawa na ng paraan ang UNICEF para magkaroon ng access sa learning para sa displaced children, at maging ang pagsuporta sa rehabilitasyon sa mga nasirang paaralan, kasama ang pagpapalit ng mga nasirang equipment at furniture.

Ang three-times Grand Slam winner ay tumanggap ng wild card para sa Indian Wells ngayong buwan, ang kanyang kauna-unahang tournament simula nang makasama ang dating coach na si Ivan Lendl.