Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na buksan ang mga pasilidad sa Pilipinas para papasukin ang militar ng Estados Unidos sakaling mag-spill over sa Asya ang kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon kay Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez, kung hihingi ng partisipasyon ang US, ay malinaw na sinabi ng Pangulo na lalahok ang Pilipinas sa effort lalo na kung aabot sa Asya ang krisis sa Ukraine.
Iginiit ni Romualdez na bukas ang Pilipinas para sa isang kaalyado tulad ng US.
Sa ngayon ay wala pang iniisyu na pahayag ang Department of Foreign Affairs at ang Malacañang kaugnay sa sinabi ni Romualdez.
Mababatid na meron Mutual Defense Treaty sa pagitan ng US at Pilipinas, kung saan ay magtutulungan ang dalawang magkaalyado sa pagdipensa ng mga teritoryo nito na posibleng makaranas ng pag-atake.
