Gilas Pilipinas, nakatakdang pangalanan ang 15-man contingent para sa SEA Games

Nakatakdang pangalanan ng national cage program ang 15-man contingent para sa Southeast Asian Games sa Vietnam ngayong Mayo, kung saan maaring masama rito ang malaking grupo ng mga talents mula sa pro ranks.

Kaugnay nito, ibinahagi ni Philippine Basketball Association (PBA) commissioner Willie Marcial
na inaasahang tutukuyin ni national coach at director Chot Reyes ang mga players sa roster bago ang deadline ng SEA Games’ organizing committee, para sa accreditation sa mga atleta na itinakda ngayong Sabado.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Sa gitna nito, sinabi ni Marcial na ang composition ng team ay magiging “hybrid” squad.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Samantala, ang mga Pilipino na naglalaro sa ibang bansa, partikular na ang mga nasa Japan gaya nina Thirdy Ravena at Dwight Ramos, ay maaring muling tumulong sa Gilas Pilipinas, dahil matatapos na rin naman umano ang B.League season sa panahong iyon.