Murder case vs. 2 suspek sa pagpatay sa isang gwardya, isinampa ng pulisya

Sinampahan na ng kasong Murder ng Police Station 1 ang mga suspek sa pagpatay sa gwardya ng J Marketing sa Puerto Princesa na si Jessie Mampay.

Kahapon ng umaga ay kinumpirma ni PCapt. Alta Xerxes Cabillage na naihain na sa City Prosecutor’s Office ang kaso laban sa dalawang lalaki na nakuhanan ng CCTV.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ayon kay PCapt. Cabillage ay hindi pa nila mailalabas ngayon ang pangalan ng mga suspek at hihintayin na lamang nila na sumagot ito sa isinampang kaso laban sa kanila.

 “Sabi niya [ng testigo], “tirahin mo na rin ‘yan! Tirahin”  na ganun ang pagkarinig niya ganoon testimonya na  binigay  sa’min. Wala pong audio [‘yung CCTV ]… kaya sinama natin siya kasi inundyukan niya ang primary suspect natin.”- PCapt. Alta Xerxes Cabillage, Police Station 1 Commander

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Samantala, si Jessie Mampay ay inihatid na sa huling hantungan kahapon sa bayan ng Roxas, Palawan.