Provincial Jail, pinaigting ang inspeksyon sa mga padala sa PDL

Hihigpitan pa ng Palawan Provincial Jail ang inspeksyon na ginagawa nila sa mga ipinapasok na padala sa loob ng piitan para sa mga Person Deprived of Liberty.

Ayon kay Retired Col. Gabriel Lopez, ito ay bunsod ng naiulat na mayroong suspected shabu ang muntik nang maipasok nitong nakalipas na buwan ng Oktubre na isinilid sa cup noodles.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sinabi ni Jail Warden na doble ang inspeksyon na ginagawa sa mga padala upang hindi na maulit pa ang insidente.Samantala, hindi pa rin pinapayagan ngayon ang mga dalaw sa mga PDL dahil sa pandemya, ayon pa sa Provincial Jail Management.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod