Malabo pa na tumanggap ng domestic tourism ang lungsod ng Puerto Princesa ngayong taon, 2021 at posibleng mapag-usap ito sa Local Inter-Agency Task Force sa susunod na taon, 2022.
Ayon kay Incident Management Team Commander Dr. Dean Palanca, nakadepende pa rin ito sa sitwasyon ng COVID-19 sa lungsod at sa kahandaan ng komunidad lalo na kung fully vaccinated na ang mga nasa sektor Ng Turismo.
Isa umano sa puwedeng ikonsidera ay ang bubble tourism at point to point lang ang turista, ibig sabihin kung saan tourist destination ang pupuntahan ay doon lamang ito at hindi papayagan na kung saan-saan pupunta.
“Ang domestic tourism is by next year yan pag-uusapan yan at may mga rules dyan, isa sa tawag dyan is bubble yung tourism, point to point lang hindi puwede kung saan-saan nakakarating [ang turista] at depende rin po yan sa sitwasyon natin at maging sa kahandaan ng at yung kahandaan ng community,” pahayag ni IMT Commander Dr. Dean Palanca.
Samantala sa susunod na buwan target na rin buksan ang local tourism at ang ibang mga business establishment pero ang lahat ng ito ay depende pa rin aniya kung magpapatuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Puerto Princesa.