Mural paintings patungkol sa Consumer Rights tampok sa pader ng Provincial Capitol

CAMARINES NORTE- Tampok ngayon dito sa lalawigan ng Camarines Norte ang mural paintings patungkol sa Consumer Rights na makikita sa pader ng kapitolyo probinsiyal.

Bahagi ito ng Consumer advocacy campaign ng Department of Trade and Industry katuwang ang Philippine Chamber of Commerce and Industry Camarines Norte Chapter sa tulong ng pamahalaang panlalawigan.

Naniniwala ang ahensiya na sa panahon ngayon ay higit dapat na maging creative at innovative para sa iba’t- ibang paraan ay magkaroon ng tinatawag na “consumer awareness”

Read More:  Mati City students welcome proposed ₱5,000 cash grant for fresh graduates under senate bill 1961

Sa mural paintings ay binigyang diin ang mga karapatan ng consumer tulad ng right to basic needs, right to information, consumer education, safety, redress at healthy environment.

Tampok din sa mural  ang mga responsibilidad ng consumer.

Read More:  Viral Bulacan cop removed after brutal assault on wife

Ngayong buwan ng Oktubre ay ipinagdiriwang ang Consumer Welfare Month na layong bigyang halaga ang karapatan ng mga kosnumer.

Binibigyang pansin din sa pagdiriwang ngayong taon ang patuloy na consumer protection program sa panahong ito na mataas ang pagamit ng electronic commerce.