Naghahanap na ng lugar sa Olongapo Ang Local Vaccination Operations Center kung saan gagawin ang pagbabakuna kontra covid19 sa mga menor de edad.
Ito ay para paghandaan ang pagbibigay ng go signal ng Department of Health na umpisahan ang vaccination sa mga edad labindalawa hanggang labimpito.
Ayon kay City Health Officer Dr. Doods Bustamante, hindi puwedeng gawin sa mga lugar na mataas ang temperatura dahil makakapekto sa bisa ng bakuna ang init ng panahon.
Ilan sa pinagpipilian ngayon ay ang pagbubukas ng isa pang hall sa SMX convention center para ihiwalay ang mga adult sa mga menor de edad at ang paghahanap ng isa pang mall na may malawak na kwarto para dito.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
