Empleyada ng isang fast food sa Legazpi City, nagsauli ng P200K

LEGAZPI-Lubos ang pasasalamat ng mag-asawang customer sa Biggs Diner Daraga Branch sa isang empleyada na si Jenifer Espinas dahil sa pagsauli ng bag na may lamanh kaini na nag uli ki bag na may lamang P200,000 pesos

Ayon sa report, Pebrero 16, 2022 nang mag dine-in ang mag asawa sa nasabing establisyemento at dahil sa pagmamadali nito, di nila namalayan na naiwan na pala nila ang dala nilang bag na may lamang malaking halaga ng pera.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Swerte na lamang nang makita ito ni Espinas nang mag-serve siya sa katabi nitong table.Agad na tinanong ni Jenifer ang kanilang kahera kung nasa loob pa ba ng kanilang pinagtatrabahuhang restaurant ang may-ari ng bag at nang malamang nakaalis na ito, inireport nya na sa kanyang manager ang insidente para maisauli ito sa may-ari.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Hinintay nila na bumalik muli sa fastfood chain ang mag-asawa at nang bumalik nga ito ay saka naisauli ang naiwan nilang bag na may lamang pera.

Dahil rito, binigyan ng Certificate of Recommendation si Jenifer ng Biggs Diner Management at binigyan rin ng pabuya ng may-ari ng pera.