Multi-day election, hindi magiging madali dahil sa budget cut sa 2022 ayon sa Comelec

Hindi kumpyansa ang Commission on Elections na magiging madali ang proposal para sa pagdaraos ng multi-day elections sa 2022 matapos matapyasan ng 64% ang pondo ng ahensya sa susunod na taon.

Ito ay matapos sabinhin ni National Task Force on COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. na kailangan gawin sa loob ng maraming araw ang eleksyon imbis na isang araw, upang maiwasan ang pagtitipon ng maraming tao sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, kulang ang pondo ng poll body para gawin sa loob ng maraming araw ang eleksyon.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Ipinunto ni Jimenez na kapag masunod ang nasabing proposal ay kailangan nila ng karagdagang bayad sa tinatayang 300,000 na guro na magsisilbi sa halalan.

Dagdag ni Jimenez, sa honoraria pa lang ng mga guro ay pwede nang maubos ang lahat ng pondo ng poll body dahil sa pagdoble nito

Inihayag rin ng opisyal na humihingi pa ngayon ang Department of Education ng hazard pay, food allowance, at transportation allowance para sa mga guro

Read More:  Ex-PNP Chief Nicolas Torre says he’s ready to help arrest Bato

Matatandaan na hiniling ng Comelec ang P42-billion na pondo para sa taon ng eleksyon, ngunit sa ilalim ng spending plan na isinumite ng Department of Budget and Management sa Kongreso, ay umabot lamang ito sa P26-billion.

Sa ilalim ng proposed pay hike ng Department of Education para sa poll workers, ay mababayaran ang charipersons ng electoral boards ng P9,000 mula sa P6,000 habang ang board members naman ay mababayaran ng P8,000 mula sa P5,000.