Nilinaw ng Movie and Television Review Classification Board (MTRCB) na hindi pa opisyal at pinal ang pinataw nilang 12-day suspension sa It’s Showtime dahil hinihintay pa nila ang “finality” ng kaso.
Ayon kay MTRCB Chairperson Lala Sotto, binibigyan nito ang program ng tyansa na makapag-ere pa “in the spirit of fairness.”
Tinanggihan rin nito ang mga akusasyong pag-diin sa It’s Showtime dahil anak siya ng isa sa mga host ng katapat nitong programa.
Aniya, natural lang sa mga supporters na isipin pero sinabing hindi kasalanan ng ahensya ang mga paglabag ng mga hosts na si Vice Ganda at Ion Perez.
Sa ngayon, sinabi na ng panig ng It’s Showtime at ABS-CBN na maghahain sila ng motion for reconsideration sa MTRCB.
