Pinoy impersonator na si Taylor Sheesh, pang-worldwide na!

//IF

Umabot na sa ibang bansa ang pagka-viral ng Pinoy impersonator ni Taylor Swift matapos ma-feature ang kanyang talento sa isang international na programa na “Good Morning America.

Ani ng netizens, pang-worldwide na si Taylor Sheesh! Kinwento ni Mac (kanyang tunay na pangalan) sa mga hosts ng nasabing program kung paano naging viral ang kanyang pagi-impersonate kay Taylor.

Umusbong ang kasikatan nito matapos niyang mag “tour” sa iba’t ibang mall sa bansa, na dinaluhan at sinuportahan naman ng maraming fans ni Taylor Swift.

Ito na lang raw kasi ang chance nilang ma-enjoy ang concert ni Taylor dahil hindi kasama ang Pilipinas sa mga pupuntahang bansa ng pop singer para sa kanyang “The Eras Tour.”