MRT3, maghahandog ng libreng sakay para sa manggagawa sa labor day

Maghahandog ang MRT-3 ng LIBRENG SAKAY para sa mga manggagawa sa May 1, bilang pagdiriwang ng Labor Day.

Tugon ito ng pamunuan ng MRT-3 sa kahilingan ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa pagkilala sa malaking kontribusyon ng mga manggagawang Pilipino sa pagsusulong ng maunlad at Bagong Pilipinas.

Read More:  PNP to deploy more personnel around Senate amid political tensions

Ipatutupad ang LIBRENG SAKAY sa peak hours ng operasyon ng linya sa nasabing araw, mula 7:00 am hanggang 9:00 am, at mula 5:00 pm hanggang 7:00 pm.

Read More:  Cayetano Rejects Senate leadership changes

Kinakailangan lamang magpakita ng company ID o government issued ID sa MRT-3 personnel sa mga istasyon para maavail ang LIBRENG SAKAY.