MMDA enforcer, nakipagpatintero sa SAICT matapos sitahin sa pagdaan sa EDSA Busway

Lakas-loob na nakipag patintero ang isang tauhan ng MMDA para takasan ang mga tauhan ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) nang parahin ito sa EDSA busway ngayong araw.

Sa isang video, bumuntot ang enforcer sa likod ng isang bus carousel, kaya agad itong sinita ng mga SAICT na kasalukuyang nagsasagawa ng operasyon sa Santolan, ngunit imbes na huminto ay bigla itong nagpaharurot at tumakas sa mga operatiba.

Sa ngayon ay nakikipag—ugnayan na ang Department of Transportation (DOTr) sa ahensya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para mabigyan ng Show Cause Order sa tulong ng Land Transportation Office (LTO) ang nasabing enforcer matapos makuha ang plaka nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *