Manila Zoo operating hours, binawasan ngayong Holiday Season

Binawasan ang oras ng operasyon ng Manila Zoo sa  bisperas at sa araw ng Pasko at maging sa Bagong Taon.

Sa abiso ng pamahalaang lungsod ng Maynila, sa December 24 at 31 ay mula alas-nuwebe ng umaga hanggang alas sais ng gabi lamang ang operasyon ng nasabing zoo.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Habang sa December 25 at January 1, simula alas-dose ng tanghali hanggang alas-otso ng gabi ang operasyon nito.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Una nang pinalawig ng Manila Zoo ang kanilang operasyon tuwing Biyernes, Sabado at Linggo ngayong buwan para tumanggap ng maraming bisita.