KORONADAL CITY – BUBUO ang provincial government ng South Cotabato sa pamamagitan ng Integrated Provincial Health Office o IPHO ng Provincial Mental Health Council.
Layon nito na makagawa ng komprehensibo at multi-sectoral suicide prevention strategy. Ito ang inihayag ni Tristan Navos sg IPHO sa gitna ng tumataas na bilang ng mga nagpapakamatay na itinuturing na pangalawang leading cause of death ng mga may edad 15 hanggang 29 anyos.
Samantala, sa mga nakakaranas naman ng mental health distress o may mga kakilalang may suicidal tendencies, makipag-ugnayan lamang sa 09067173872 o sa 09811131831 o sa Facebook Page na Mental Hx by IPHO South Cotabato upang mabigyan ang mga ito ng tamang gabay.
