Motor sumalpok sa concrete barrier, 1 patay, 1 sugatan

Nasawi ang isang motorista habang sugatan ang sakay nito matapos nitong salpukin ang isang concrete barrier sa Brgy. Boalan, Zamboanga City dakong alas 05:33 lunes ng umaga.

Sa imbestigasyon ng Police Station 7 Sta. Maria, patungong silangan direksyon ang motorsiklo nang makarating sa bahagi ng Brgy.Pasonanca  nang biglang itong bumangga sa concrete barrier na naging dahilan para mawasak ang harapang bahagi nito saka bumaliktad.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Sinubukan naman dalhin ng rescue team sa ospital ang driver  na si Jimboy Ropejeno, 19 taong gulang pero hindi na umabot ng buhay dahil sa natamong malalang pinsala sa katawan.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Sugatan naman ang kasamahan na patuloy na nagpapagaling dahil sa tinamong sugat sa katawan. Guen Delos Santos