Motivation ng mga Pinoy para magpabakuna, ‘bayanihan’ at di ‘kulungan’

Iginiit ni Senador Panfilo Lacson na “bayanihan” at hindi takot na makulong ang dapat na maging motivation ng mga Pilipino na magpabakuna laban sa COVID-19.

Ginawa ng senador ang pahayag matapos na magbanta si pangulong Duterte na ipapa-aresto ang mga matitigas umanong ulong mga Pilipino na ayaw magpaturok ng COVID-19 vaccine.

Ayon sa mambabatas, dapat ay magpabakuna ang mga Pilipino dahil mayroon tayong Bayanihan spirit at di dahil takot ang publiko na makulong.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Aniya, dapat ay naisin ng mga Pilipino na gawin ang kanilang parte para makamit ng bansa ang herd immunity nang matapos na ang banta ng pandemya sa ating kalusugan at ekonomiya.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Dagdag pa ng senador, dapat ay magpatupad din ang gobyerno ng “restraint” at transparency para tipirin ang limitadong resources ng bansa.

Bukod dito, hinimok din ng kongresista ang pamahalaan na gawin ang trabaho sa pamamagitan ng pag-improve ng vaccination program ng bansa dahil ang mabisa umanong paraan para tugunan ang problema ay makuha ang loob ng mga Pilipinong magtiwala sa COVID-19 vaccines at magpabakuna.