Grupo, umapela sa pamahalaan na kanselahin ang mga lisensya ng mga POGO

Nanawagan ang 1Sambayan coalition kay Pangulong Bongbong Marcos na kanselahin ang lahat ng mga POGO na nagke-cater sa Chinese market.

Sa isang open letter para sa Pangulo, binigyang-diin ng 1Sambayan na idineklara ng Chinese Embassy sa Maynila na sa ilalim ng Chinese law, ang anumang uri ng gambling ay ilegal.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Umapela na rin umano ang Embahada ng China sa pamahalaan na i-ban lahat ng POGO na nagke-cater sa Chinese market.

Nakasaad sa sulat na ang paggarantiya ng lisensya sa mga Chinese POGO ay lumalabag mismo sa sariling regulasyon ng PAGCOR.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Sinasabi rin dito na responsibilidad ng lisensee na tiyakin na ang ano mang laro na naka-base sa anumang jurisdiction ay targeted ‘in full compliance with the laws of that jurisdiction.’