Namataan ang pagdaan ng “Monster Ship” ng China sa katubigan ng El Nido, Palawan at Scarborough Shoal sa West Philippine Sea (WPS).
Sa social media site na X, sinabi ni US Air Force official at ex-Defence Attaché Ray Powell na dumaan ang China Coast Guard (CCG) 5901 sa Scarborough Shoal bandang ala-7 ng umaga.
Kahapon naman daw ay nakalampas na sa Palawan ang naturang vessel.
Iniulat din ni Powell na nagkaroon ng mga paghinto ang monster ship sa ilang mga “hot spots.”
Mababatid na ngayong linggo, nabisita ng CCG 5901 ang Thitu Island, Luconia Shoals, 2nd Thomas Shoal, Flat Island, Nanshan Island, at Sabina Shoal.