Modernong teknolohiya, isinusulong ng DA Mimaropa

BATANGAS CITY – Isinusulong ng Department of Agriculture o DA MIMAROPA ang paggamit ng mga modernong teknolohiya para sa mga magsasaka at mangingisda sa buong rehiyon.

Sa ginanap na Kapihan sa Bagong Pilipinas kamakailan, binigyang diin ni Christopher Bañas ang Regional Executive Director ng DA MIMAROPA, na ang pangunahing layunin ng kanilang ahensya na mapataas ang produksyon ng mga agri-products sa rehiyon.

Ayon kay Bañas, malaki aniya ang ambag ng modernong teknolohiya upang mapataas ang produksyon ng mga magsasaka at mangingisda sa buong MIMAROPA.

Dagdag pa ni Bañas, hangad nila na mas umunlad pa ang sektor ng pangisdaan at agrikultura upang matiyak ang kita ng mga magsasaka at mangingisda.

Samantala, nabatid na umabot na sa limang daan at tatlumpu’t pitong makinarya ang naipamahagi ng DA sa iba’t-ibnag lugar sa MIMAROPA.