BATANGAS CITY – Inanunsyo ng department of agriculture MIMAROPA na posibleng magkaroon ng temporary dislocation sa mga magsasaka ngayong panahon ng modernisasyon.
Ayon kay DA Mimaropa Regional Executive Director Christopher R. Bañas na hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng temporary dislocation ngayong nagiging mas moderno na ang mga kagamitan sa pagsasaka.
Aniya, ang temporary dislocation ay ang pagkawala ng trabaho ng mga magsasaka.
Ngunit sinabi rin ni Bañas, na kinakailangan parin ng mga mangagawa na magpapatakbo ng mga makabagong makina na gagamitin sa pagsasaka.
Dagdag pa ni Bañas, bibigyang prayoridad parin ng administrasyon Marcos na “whole-of-the-nation approach ang mga lugar na mahirap abutin ng tulong para sa pangunahing serbisyo.
Samantala, hindi naman titigil ang kagawaran ng pagsasaka sa pagbibigay ng mga magagandang interbensiyon para sa ating mga magsasaka.