Arnis player, patuloy na naghahanda para sa Palarong Pambansa

Batangas City- Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng isang Arnis Palyer mula Cainta, Rizal para sa nalalapit niyang laban sa Palarong Pambansa 2024.

Siya ay si Aiseyha Nicholas Alex, sampung taong gulang at nag-uwi ng tatlong gintong medalya sa mga kategoryang Individual Double Weapon, Team Single weapon, at Team Double Weapon.

Bukod dito, nakamit din niya ang dalawang pilak na medalya sa Mixed Double Weapon at Team Espada y Daga sa nagdaang RAAM 2024.

Read More:  Team PH wraps up Asian Para Games campaign with seven medals

Ayon kay Aiseyha, hindi madali ang pinagdaanan niyang para masungkit ang mga m,edalya dahil kailangan niyang hatiin ang oras para sa pag-aaral at pagsasanay, ngunit ginawa niya itong inspirasyon para magtagumpay.

Payo naman ng kaniyang coach na si JJ Malanay na palagi lang ipagpatuloy ang pagiging uhaw at gutom sa kaalaman at huwag maging kampante sa bawat makakalaban.

Read More:  NLEX one win away from semifinals after beating Phoenix in Game 2 of PBA Governors’ Cup

Samantala dahil sa ipinakitang galing at dedikasyon sa laban, kuhang-kuha ni Aiseyha ang suporta ng kaniyang pamilya at mga kaibigan.

Ngayong nalalapit na Palarong Pambansa, papatunayan ni Aiseyha na hindi siya magpapahuli sa mga kalaban para aangkinin ang gintong medalya.