Maaari nang gamitin ang Moderna COVID-19 vaccine sa mga batang may edad 12 hanggang 17 taong gulang matapos aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang pag-amyenda sa emergency use authorization (EUA) nito.
Ito ang inanunsyo ni FDA Director General Eric Domingo sa Laging handa public briefing.
Sinabi ni Domingo na dalawang linggo na ang nakalilipas mula nang mag-apply sa pag-amyenda sa kanilang EUA ang Moderna at matapos aniya ang masusing evaluation ng vaccine expert panel at regulatory expert ay inaprubahan na ito.

Samantala, ipinunto naman ni Domingo na ang kailangang bantayan sa ngayon ay ang madalang na kaso ng myocarditis o pamamaga ng puso sa mga kabataan kapag naturukan ng nasabing bakuna.