MMDA & PNP, handang tumulong sa maapektuhan ng tigil-pasada sa Lunes

Nakahanda ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine National Police (PNP) na umagapay sa mga pasahero kasabay ng ikinasa muling tigil-pasada ng grupong Piston at Manibela na magsisimula sa Lunes.

Read More:  ICC seeks additional protection for 55 witnesses in Duterte trial

Ayon kay MMDA General Manager Angelo Vargas, may nakahanda nang hakbang ang mga LGUs sa Metro Manila tuwing may transport strike.

Tiniyak naman ni Vargas na andiyan ang mga asset ng MMDA para tumulong sa mga apektadong pasahero.

Read More:  House prosecution panel criticizes Sara Duterte’s defense team over renewed ‘fishing expedition’ claims

Samantala, ang PNP naman ay handa ring magdeploy ng mga truck sa mga posibleng ma-stranded.

Nagbabala rin si PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo sa mga tsuper na manggugulo ay mahaharap sa kaukulang reklamo.