Babaeng miyembro umano ng AFP na dumaan sa EDSA busway, hinarang ng SAICT

Tumanggi pang ibigay ang lisensiya ng isang babae na dumaan sa Southbound ng EDSA-Guadalupe busway.

Sa ulat ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT), humarurot pa ito ng takbo papuntang Ortigas.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Hinarang ang sasakyan ng babae ng isang tauhan ng SAICT at pinagpresenta ng kanyang lisensiya.

Ibinida ng driver na siya ay kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at siya ay pamangkin ng isang major general.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Bago ito umalis, sinabi pa nitong siya ay isang Filipino-American kaya hindi raw siya pwedeng tiketan.

Dahil dito, inisyuhan siya ng show-cause order ng Land Transportation Office (LTO) matapos ang naturang insidente.