MMDA at LTFRB, ipatatawag sa Kongreso sakaling di maayos ang gusot sa provincial buses window hours

Umapela ang isang mambabatas sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA at sa Land Transport Franchising and Regulatory Board o LTFRB na muling irekonsidera ang umiiral na window hour scheme para sa mga provincial buses.

Sa isang pahayag, sinabi ni House Ways and Means Committee chairperson Joey Salceda na kinakailangan nang ihinto ang mga restriksyong hindi naman malinaw.

Ayon kay Salceda, kung hindi mapa-plantsa ang gusot na ito sa transportation system, ipasu-subpoena nila ang LTFRB at MMDA sa Kongreso.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Giit ng mambabatas, kung magkakaroon ng implementasyon ng bagong guidelines, dapat daw ito ay ‘jointly-issued’ nang hindi magtuturuan ang mga ahensya kung sino ang nagkulang sa schemena ito.

Maliban pa rito, dapat daw ay nagkaroon muna ng maayos na konsultasyon sa mga komyuter groups bago itatag ang ganitong siste.

Sa kasalukuyan, nakapaghain na ng House Resiolution No. 2562 ang Bayan Muna congressmen para imbestigahan ang isyu na ito sa Mababang Kapulungan.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Kung maaalala, una nang nilinaw ng LTFRB na wala silang order na magkaroon ng window hours na 10pm-5am para sa mga provincial buses para magamit ang mga integrated at common terminals kagaya ng PITX.

Sa kabila nito, nagpumilit pa rin umano ang mga operators ng provincial buses na bumyahe sa mga nabatid na oras gamit ang kanilang mga sariling terminal.
#