Mahigit 200 Pulis Kasanggayahan, nag-avail ng LAV

SORSOGON CITY – Aabot sa 285 na miyembro ng Sorsogon Police Prov’l Office (SPPO) ang nag-apply ng Local Absentee Voting (LAV) para sa 2022 elections.

Umarangkada na ito noong Miyerkules, Abril 27 at sa pangalawang araw nito, dakong alas 11:00 ng umaga, Abril 28 ay may naitala nang 190 pulis ang sumalang na sa LAV.

Sa panghuling araw naman ay may 93 na bumoto habang ang dalawang rehistradong pulis ay hindi nakapagboto dahil ito ay nalipat ng assignment.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sa kabuuan, may 283 na pulis ang nakapagboto o 99.30%.

Ang absentee voting ay pinangasiwaan ng representante mula sa Comelec at ang Chief ng PNP-Sorsogon Provincial Administrative and Resource Management Unit na si PLtc Eliza Paje.

Naging manu-mano ang pagboto ng mga pulis na maaari lamang bumoto para sa national positions kabilang na rito ang presidente, bise – presidente, senador at party-list.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Kapag natapos nang bumoto, ang mga balota ay inilalagay sa envelope na kokolektahin at saka ipapadala sa Comelec.

Nabatid na walang walk-in sa LAV at ang tanging papayagan lamang ay ang mga botanteng naberepika at nag-aplay para sa LAV.

Ang Chapel sa loob ng Camp Salvador Escudero Sr. ang naging venue ng absentee voting.