HRW, ipinanawagan ang pagpapalaya kay de Lima

Nakiisa rin ang Human Rights Watch sa panawagang palayain na si Senadora Leila de Lima matapos ang ilang taon nitong pagkakakulong.

Kasunod pa rin ito ng ginawang pag-kambyo ng self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa sa kanyang mga testimonyang nagdidiin sa Senadora sa mga drug charges laban dito.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Sa pahayag, sinabi ni HRW Deputy Asia Director Phil Robertson na dapat nang i-dismiss ang mga umano’y ‘trumped-up’ charges laban kay de Lima.

Aniya, ang pag-retract ng testimonya ni Espinosa ang siyang hudyat na kailangan nang tapusin ang limang taong pagkakakulong ng mambabatas.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Patunay umano ang rebelasyon ni Espinosa kung papaanong minamanipula ng administrasyon ang criminal justice system sa bansa.

Hinikyat din ng HRW ang international community na magkaisa para hingan ng accountability ang administrasyon at ang mga nasa likod ng madugong kampanya laban sa iligal na droga.
#