VP Robredo, tutol sa abolition ng board exams

Tutol si Vice President Leni Robredo sa mungkahing abolition ng licensure exams para sa ilang propesyon.

Ito’y matapos ang suwestiyon ni Labor Secretary Silvestre Bello III para sa mga nurses na hindi na kayang muling magtake ng board exams, maging para sa mga abogado at ibang professionals.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Para kay Robredo na isang abogado, dapat i-overhaul ang buong education system ng bansa, kung iaabolish ang licensure exams.

Paliwang ng pangalawang pangulo, may dahilan ang naturang mga pagsusulit, dahil dito sinusubukan kung nakapasa ang isang aspiring sa isang field sa standards ng kanyang propesyon.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Giit ni Robredo, mahalaga ang sakripisyo sa pagpasa sa naturang mga exams.// MHEL PACIA-TRINIDAD