Miyembro umano ng NPA, sumuko

Boluntaryong nagbalik loob sa pamahalaan kahapon ang isang dating miyembro ng Anak Pawis sa pamamagitan ng Pamplona Police station at 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company.

Batay sa salaysay ni alyas Duday, 39- anyos ,may asawa, community health worker at residente ng nabanggit na bayan , taong 2018 nang nahikayat  siyang sumapi sa  organisasyon sa ilalim ng pamumuno ni Isabelo Adviento a.k.a. Buting.

Read More:  Mayor Lucy Torres-Gomez honors Chinese medicine heroes as three-day medical mission hits 1,451 served with chiropractic, ventosa, and acupuncture

Lumahok siya sa mga pagpupulong at kilos protesta sa bayan ng Aparri at siyudad ng Tuguegarao kung saan kanilang ipinaglalaban ang kanilang karapatan sa ancestral domain, livelihood support, at educational scholarship para sa  kanilang mga anak.

Read More:  Suspect in killing of online seller in Davao del Norte, arrested

Ayon kay Cagayan Police  Provincial Director, PCOL JULIO S GOROSPE, JR,tuloy pa rin  ang kanilang mga aktibidad at programa upang mahikayat ang iba pa na magbalik loob sa pamahalaan upang makapamuhay ng tahimik at payapa kasama ang kanilang pamilya.