Mister na inireklamo ng Psychological abuse ni Misis nakuhaan din ng hindi lisensyadong baril

CAMARINES NORTE- Magkapatong na kaso ngayon ang kakaharapin ng isang lalake sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte matapos ireklamo ng pang- aabuso ng kaniyang misis at makuhaan pa ng hindi lisensyadong baril sa pag responde ng mga awtoridad.

Hatinggabi noong Sabado nang saklolohan ng mga pulis ang reklamong idinulog ng isang ginang mula sa Purok 2- B, Barangay Itok sa naturang bayan.

Ayon sa biktimang si Mercy Belga 36, nakakaranas siya ng Psychological Abuse mula sa kamay ng asawang si Gerry 41.

Ibinuking din ni misis na ang kaniya umanong mister ay nagmamay- ari ng baril at mga bala.

Read More:  Top NPA leader killed in Surigao del Sur encounter

Dahil dito agad na nagsagawa ng “hot pursuit” search ang mga pulis laban sa suspek na nagresulta sa pagkaka aresto nito at pagkakarekober ng isang kalibre 38 baril na naglalaman ng anim na bala.

Inihahanda na ng Capalonga MPS ang mga dokumento para sa isasampang kasong kriminal laban sa suspek.

Kasong paglabag sa Anti Violence Against Women and their Children  Act at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang kakarapain ng suspek na nakakulong na ngayon sa naturang Municipal Police Station.

Read More:  7 arrested in Cebu restobar theft case

Nanawagan naman ang pamunuan ng pulisya sa Camarines Norte na pangalagaan ang pamilya, mahalin ang asawa at mga anak.

Sabi ni PNP Provincial Director PCol Julius Guadamor, ayaw niyang may isang misis na dudulog sa kanila na magpapasaklolo dahil sa pananakit ng kanilang mister.

Binigyang diin ng opisyal na dapat pahalagahan ang binuong pamilya dahil ito ay maituturing na kayamanan.