Mister, binaril ng kaibigan ng umanoy kabit ng misis

Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang kaliwang hita at kanang braso ang isang lalaki matapos itong barilin pasado alas 12:00 ng madaling araw ng Martes, Agosto 20, 2024 sa  Barangay Sambag 1, Cebu City.

Ang biktima na si Alyas Leon, 30-anyos ay kasalukuyang nasa ICU ayon sa kapatid nito na si Marybell.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ayon sa kapatid ng biktima na si Marybell, mabilis ang pangyayari dahil nag-aaway pa umano ang kanyang kapatid at ang asawa nito dahil sa third-party issue.

Aniya, hinabol umano ng misis bitbit ang basag na bote ang biktima na tumakbo papuntang kabilang kalsada, kasunod nito nakarinig na lang ng putok ng baril ang mga residente.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Dagdag pa ni Marybell, nasabi pa ng kanyang kapatid ang bumaril sa kanya at kaibigan umano ito ng pinagdudahang kabit ng kanyang misis.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng Abellana Police Station.