Bahay ng notadong mga siga sa Cebu City, nadiskubreng may tunnel

Matapos ang nangyaring engkwentro sa Barangay Jampang, Argao Cebu bandang alas 05:00 ng umaga ng Martes, Agosto 20, 2024 sa pagitan ng kapulisan ng Argao at sa pagseserbehan sana ng warrant of arrest.

Ayon sa Argao Police Station, dalawa ang naging encounter site ng operasyon noong Martes at isa na rito ang bahay kung saan may nakita silang piraso ng plywood na nakatakip sa sahig at ng binuksan, may entrada umano pababa.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Nadiskubre sa tunnel ang isang kwarto sa ilalim na may iilang gamit gaya ng electric fan, ilaw, may linya rin ng kuryente, mga basyo ng bala at mga foil na pinaniniwalaang drug paraphernalia.

Dagdag pa ni Giangan, dalawang exit ang kanilang nadiskubre kung saan ang isa ay papunta na sa bangin at ang isa ay sa gilid ng bahay.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Patuloy ang imbestigasyon at ang pagtugis sa mga nakatakas.

Maaalala na si Jonathan Comaling ang pagseserbehan sana ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ngunit nanlaban ito kasama ng kanyang umanoy kapatid na si Joel at pinsan na si Jay Rodel Comaling na syang nasawi sa engkwentro.