Perjury case laban kay Guo, pinag-aaralan na ng Senado

Kinumpirma ni Senate President Chiz Escudero na nagkausap na sila ni Senador Win Gatchalian hinggil sa paghahain ng perjury case laban kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa kasalukuyan, ipinadala na umano nila ang tungkol dito sa Senate legal upang mapag-aralan lalo na’t wala namang personal knowledge sina Gatchalian at Senadora Risa Hontiveros para gawin ito.

Read More:  Digital Pinoys warns vs ticket scalpers, scammers

Dagdag pa niya, sa ilalim ng batas, sinasabi na ang Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) at maging ang iba pang empleyado ng Senado ang dapat na magsagawa ng complaint affidavit.

Read More:  DOT continues talks to appoint BINI as tourism ambassadors

Kung sakaling masampa naman na ang kaso sa Department of Justice (DOJ) ay maaring ma-declare in default muna ito kung sakaling hindi pa lumabas si Guo upang harapin ito.

Samantala, maghahain na lang ng alias warrant of arrest ang awtoridad kung sakaling lumitaw na ito matapos ang kanyang pagtatago.