Higit 1K families sa Zambales inilikas

Umabot sa mahigit 1,800 na pamilya o nasa higit 5,300 indibidwal ang inilikas sa iba’t ibang evacuation center sa lalawigan ng Zambales.

Ito ay dahil na rin sa malakas na pag-ulan at naging dahilan ng pagbaha dulot ng bagyong Carina na pinalakas pa ng habagat kahapon.

Read More:  Fire hits PC Compound in Zamboanga City; Air Force helicopter joins response

Ayon kay Zambales Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer Rolex Estella, ang bilang ay inisyal pa lamang at reported na nasa kanilang talaan.

Maliban dito, may ilang imprastruktura rin ang naapektuhan habang sa sektor ng agrikultura ay inaalam pa ang halaga ng mga nasira.

Read More:  Two fishermen rescued after boat carrying sacks of cement capsizes

Samantala, sa Olongapo City ay nasa mahigit tatlong daang pamilya rin ang inilikas dahil sa pagbaha habang wala namang naitalang casualty ang lungsod at Zambales.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Zambales for the People