Minero timbog sa buy bust operation sa bayan ng Paracale

CAMARINES NORTE- Timbog ang isang lalaki sa ginawang buy bust operation ng mga pulis kamakalawa ng gabi sa Purok 2, Brgy Tugos, Paracale, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si alyas “Tiwin”, 40 anyos, may kinakasama, minero at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat ng Paracale Municipal Police Station, agad na inaresto si alyas Tiwin matapos makabili dito ang umaktong poseur buyer ng isang maliit na selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Nakuha din sa pag iingat ng suspek ang isang katamtamang laki ng selyadong plastik na pakete at isa pang maliit na selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu at buy bust money.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Tinatayang umaabot sa .6 gramo ang mga nakuhang hinihinalang iligal na droga na may katumbas na halagang umaabot sa Php 4,000.00.

Nasa kustodiya na ngayon ng naturang Municipal Police Station ang mga nakuhang ebedensiya at ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.