Tahasang inakusahan ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na ang order na inilabas ng Department of Agriculture ay ginagamit lang bilang cover up sa smuggling ng isda sa bansa,
Tinutukoy ni Tiangco ang Special Order No. 1077 na nagpapawalang bisa sa Special Order No. 1202 na nagbabawal sa importation ng galunggong, mackerel, moonfish, at pusit para sa processing purposes.
Ayon sa alkalde, ilan sa mga nakakuha ng naturang permit para sa importation, ay hindi naman talaga ginagamit ang suplay ng isda para sa processing, kundi ipinamamahagi sa mga wet markets.

Sanabi naman nito, na nagpadala na siya ng sulat sa DA hinggil sa naturang usapin, pero wala pang tugon ang ahensya.
Binigyang diin rin ni Tiangco na ang Special Order 1077 ay napawalang bisa na, pero muling ipinatupad. //MHEL PACIA