Binisita si boxing Senator Manny Pacquiao ng isa sa mga dati niyang karibal na si Miguel Cotto habang siya ay nagsasanay sa Wild Card Gym sa Hollywood, Los Angeles.
Dumaan si Cotto sa gym upang makipagkamustahan kay Pacquiao.
Ibinahagi naman mismo ni Pacquiao ang nangyaring tagpo sa Instagram kung saan ay makikita na naghakapan at nagkamay ang dalawa.

Mababasa naman sa Instagram post ni Pacquiao ang caption na, “Great to see my good friend @realmiguelcotto.
Ibinalik naman ng Puerto Rican ang mga mabubuting salita sa comments section ng post ni Pacquiao kung saan ay sinabi niya “Likewise my friend. All the best,”
Matatandaan na nagwagi ang noo’y 31-anyos na si Pacquiao via technical knockout sa 12th round ng kanilang laban ni Cotto.
Ang kanilang laban ay ang huling pagsabak ni Cotto sa welterweight division dahil lumipat rin ito sa light middleweight at middleweight divisions bago ito nagretiro noong 2017.
Mababatid na kasalukuyang pinaghahandaan ni Pacquiao ang kaniyang pakikipagtuos kay Errol Spence Jr. sa August 21 (August 22, Manila time).