Nararanasang rollback sa presyo ng produktong petrolyo, hindi raw permanente ayon sa DOE

Binigyang-diin ni Department of Energy (DOE) – Oil Industry Management Bureau Director Atty. Rino Abad na hindi permanente ang nararanasang sunod-sunod na rollback sa mga produktong petrolyo.

Ito ay kasabay ng P2 na bawas-presyo sa gasolina, P0.50 sa diesel, at P0.85 naman sa kerosene.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Abad, sinabi nitong nakadepende sa sitwasyon ng ilang mga bansa ang galaw ng petrolyo.

Paliwanag ni Abad, nakadepende rin sa economic activity ng nasabing mga bansa ang presyo ng produktong petrolyo.

Kung magpapatuloy aniya ang hindi magandang report ng nasabing mga bansa, posibleng magpatuloy ang rollback.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *