Dumating na ang karagdagang 1.5 milyong doses ng Sinovac vaccines na binili ng gobyerno.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19, dumating ang mga bakuna kaninang alas 5:55 ng hapon sakay ng Flight PR359.
Sinabi ni NTF special adviser Dr. Ted Herbosa na may parating pang dalawang shipment ng bakuna; anim na milyong doses, at apat na milyong doses mula sa COVAX facility.

Aniya, ipapamahagi ang mga nasabing bakuna sa Lunes.
Mababatid na una nang dumating ang karagdagang 502,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa bansa.
Nakapagturok na ang Pilipinas ng kabuuang 37,176,513 doses habang mahigit 15 milyong indibidwal naman ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.