MHO Daraga nagsagawa ng ‘house to house visitation and vaccination’ sa mga barangay upang mapataas ang vaccination rate sa mga bata at mga senior citizen

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Municipal Health Office (MHO) Daraga na may mga scheduling ng pagbabakuna sa mga barangay sa bayan ng Daraga.

Ayon kay Dr.  Ceasar Mata, nagsasagawa na ng house to house visitation at vaccination ang mga nurses at midwifes ng nasabing opisina sa mga barangay.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Layunin nito ay para mapataas ang vaccination sa mga senior citizen at pediatric.

Aabot kasi sa mahigit kumulang 500 pa lang ang nababakunahan na pediatric na edad 5-11 taong gulang na bata habang ang senior ay nasa mahigit 50% pa lang ang nabakunahan na senior citizen.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Maliban pa rito, bago man na magsagawa ng pagbabakuna ay hinihikayat muna ang mga hindi pa nababakunahan upang maisama na sa pagbabakuna ang nasa loob ng tahanan. Umaasa ang opisyal, sa ginawang estratehiya ng Lokal na Pamahalaan ay tumaas ang vaccination rate ng Daraga.