DOLE, nilinaw na mananatili ang deployment ban sa mga domestic workers sa Saudi Arabia

Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mananatiling suspendido ang deployment ng mga Filipino domestic workers sa Saudi Arabia.

Ito ay kasunod ng pagkalat ng pekeng government advisory na nagsasabing tinanggal na umano ang ban, dahilan para malito ang publiko.

Read More:  Sen. Padilla says constitutional loyalty is also ‘wanted’

Ang bogus na dokumento na may petsang April 4, ay may nakalagay na pangalan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), pero pagkumpirma ni POEA Administrator Bernard Olalia, walang siyang nilagdaan na naturang abiso.

Read More:  PCG logs over 37,000 passengers at seaports on first day of Undas 2026

Samantala, nakikipag-ugnayan na ngayon ang naturang departamento sa mga otoridad para mahul ang nasa likod ng disinformation, na tila gustong ikompromiso ang kredibilidad ng POEA .