Mga zoo sa bansa, dapat na raw iphase out ayon sa isang animal group

Iginiit ng Philippine Animal Welfare Society na dapat na raw iphase out ang mga zoo sa Pilipinas at sa halip ay pagtuunan na lang ng pansin ang ibang bagay na may malinaw na benepisyo sa mga tao at hayop.

Ito ay kasunod ng anunsyo ng lokal na pamahalaan ng Maynila na may bagong leon ang Manila Zoo na pinangalanang si Isla.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Sa isang pahayag, sinabi ng PAWS na kung tunay na may malasakit ang pamahalaang lungsod sa mga hayop ay dapat ng itigil ang pagdadagdag ng mga hayop sa Zoo kung saan ang mga ito ay magdurusa lamang.

Nagdudulot raw kase sa mga wild animals ng psychological cruelty ang pagkulong sa kanila sa mga enclosure.

Ayon pa sa grupo, may dismal record ang Manila Zoo pagdating sa pagbibigay ng wastong pagkain, tamang enclosure, at sapat na pangangalaga partikular sa mga wild animal species na iniingatan sa naturang zoo,

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Samantala, una nang giniit ng Manila Zoo na nasa magandang kondisyon si Isla at inaalagaang mabuti araw-araw.

Hindi rin daw maituturing na animal cruelty ang paglagay kay Isla sa zoo dahil may maayos namang pag-aalaga para sa batang leon.