Pinoproseso na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang repatriation ng higit 70 na mga Pilipino mula sa halos 800 na naaresto sa Laos matapos masangkot ng mga ito sa scamming.
Ito ay matapos ikasa ang operasyon sa nasabing scam hub bilang hakbang sa paglaban sa transnational crimes.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, inaasikaso na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapauwi sa 73 na mga Pinoy sa lugar.
Kasabay nito, tiniyak ni Cacdac na makapagbibigay sila ng tulong sa mga ito sa sandaling makarating ng bansa.
Paalala ng kalihim sa mga Pilipinong nais magtrabaho sa ibang bansa – siguruhing mayroong work visa at kontrata na chine-check ng ahensya.
Mahalaga rin umanong makipag-ugnayan sa mga lisensyadong recruitment agencies.