Kinumpirma ng mga lokal na opisyal na nasira na ang lahat ng tulay na papasok sa Severodonetsk city sa Ukraine.
Dahil dito, sinabi ni Serhiy Haidai na imposible ngayon ang paghahatid ng mga supplies at pag-evacuate ng mga apektadong sibilyan sa nasabing lungsod.
Sinabi ni Haidai na dahil sa pangyayari, naging mas mahirap pa ang kondisyon ng mga civilian survivors sa lugar.
Matatandaan na sa mga nakalipas na linggo ay nakatutok ang Russian military sa pagkubkob sa Severodonetsk.
Ayon sa report, ang pagkubkob kasi sa nasabing lungsod kabilang ang Lysychansk city ay magiging daan para sa Moscow na makuha ang kontrol sa buong Luhansk region.
