LEGAZPI-Hinimok ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman na na iprayoridad ng susunod na administration ang Reproductive Health sa bansa sa pamamagitan ng “full at expeditious” na pagpapatupad sa Responsible Parenthood and Reproductive Health Act.
Ayon sa kongresista, nananawagan ito na bigyan prayoridad ang reproductive health sa bansa dahil sa ulat ng United Nations Population Fund kung saan 51% ng pagbubuntis sa Pilipinas ay unintended o hindi planado.
Punto ng mambabatas ang tamang pagpapatupad sa RH Law ang pinaka hindi mahal na pamamaraan upang makamit ang sustainable human development.
Bahagi ng RH Law ang pagbibigay mandato sa estado na maglaan ng libreng reproductive health service at supplies sa marginalized acceptors.
Tinukoy naman ng independent minority solon ang pagbaba sa pondo ng RH law mula sa unang taon ng pagpapatupad nito noong 2013.
Kung ikukumpara aniya sa ₱2.5-billion budget sa pagsisimula ng implimentasyon ay bumaba na ito sa ₱842-million ngayong 2022.
Diin ni Lagman, upang makamit ang layunin ng batas ay kailangan ding matiyak ang sapat na funding para maipatupad ito.