Mga truck ng Ipilan Nickel Corporation, nakakadaan na sa hinarangan ng mga raliyesta

Nagharap-harap ang mga raliyesta na kontra sa pagmimina at mga gwardya ng Ipilan nickel Corporation sa Barangay Maasin, Brookes Point kaninang umaga.

Bandang alas-syete nang dumating sa hauling road ng INC ang hindi bababa sa dalawampu na security ng kompanya.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Kasunod nito ay nakadaan na papalabas ang mga truck ng minahan na dati ay hindi pinapadaan ng mga raliyesta simula nitong nakaraang buwan.

Kaugnay nito, may ilang raliyesta na nagtangkang pigilan ang paglabas ng truck subalit hindi ito pinaporma ng mga gwardya na mas marami ang bilang sa kanila.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Nakabantay naman ang pulisya sa posibleng tensyon na maganap sa pagitan ng dalawang panig.

Samantala, wala pang pahayag dito ang mga namumuno ng mga nagprotesta at ang Lokal na Pamahalaan.