Ilang parte ng kalsada sa Olongapo, gustong palagyan ng speed limit

Ipinanunukala ngayon na limitahan ang bilis ng mga sasakyan sa mga piling parte ng national highway ng Olongapo.

Ito ay para maiwasang maulit ang insidente na muntikan nang ikamatay ng isang batang babae matapos mabundol ng pampasaherong jeepney habang tumatawid sa pedestrian lane.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Ayon kay Traffic Management Chief Maj. Camilo Pablo, sa idinaos na traffic summit sa lungsod ay mayroong suhestiyon na magpasa ng batas na magtatakda ng speed limit sa mga lugar na madalas pangyarihan ng aksidente.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Dahil dito, inaasahan nang pag-uusapan sa Sangguniang Panlungsod ang panukala kasama ang Department of Public Works and Highways, Local Traffic Management at ang PNP.//Christian Andres-BNFM Olongapo